Pang-abay, Pang-angkop, Wastong salita at Ang mga natutunan ko sa tatlo


                         Unang una sa lahat gusto ko sana magpakilala sa inyo, ako nga pala si Patricia Miranda at ang blog ko ngayon ay tungkol sa pang-abay, pang-angkop at wastong salita. Bago iyan nais kong sabihin sa inyo na hindi talaga ako mahusay sa Filipino, marunong naman ako magsulat at magbasa ng filipino pero takot lang talaga ako magsalita ng filipino kasi para sa akin iba ang pagsulat/pagbasa sa pagsalita ng filipino.
                          Mas marami akong natutunan tungkol sa pang-abay ngayong high school na ako kaysa sa elementarya at mas malinaw na din ang pag unawa ko ukol sa pang-abay.

>> Pang-abay <<  


      

          Ang pang-abay nga pala ay mga salita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapawa pang-abay. Labindalawa lang ang uri ng pang-abay na itinuro ng guro namin, ang pang-abay na pamanahon, panlunan, pamaraan, panggaano, pang-agam, panang-ayon, pananggi, panulad, pangkaukulan, benepaktibo, kusatibo at kundisyunal.

Pang-abay na Pamanahon
           -ay nagsasaad ng kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Pang-abay na Panlunan
           - tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ngkilos sa pandiwa.

Pang-abay na Pamaraan
           -naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Pang-abay na Panggaano
           -nagsasaad sa timbang o sukat at sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

 Pang-abay na Pang-agam
           -nagtutukoy sa kawalan ng katikayakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Pang-abay na Panang-ayon
           -nagsasaad ng pagsang-ayon.

Pang-abay na Pananggi
           -nagsasaad ng pagtanggi tulad ng hindi at ayaw.

Pang-abay na Panulad
           -ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.


         Iyan lang po ang mga kahulugan ng mga uri ng pang-abay na naintindihan ko. Ang ibang uri ng pang-abay na hindi ko nabanggit ay hindi parin malinaw sa akin.

          Wala pa kami nakapagtalakay tungkol sa Pang-angkop at wastong salita pero nagresearch na ako tungkol sa kanila. 

>> Pang-angkop <<




         Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita.


Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n.

Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a e i o u).

Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.

>> Wastong salita <<


         Ang wastong gamit ng salita ay maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit ng salita. Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. At dahil dito, nakakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagkakahulugan sa mensahe o pahayag.

         Ito lang po ang natutunan ko tungkol sa Pang-abay, Pang-angkop, Wastong salita.Hindi ako nakapagresearch ng maayos tungkol sa wastong salita pero san a makaintindi naman ako ng maayos kapag tatalakayin na namin iyan sa klase.



             Salamat po sa pagbasa ng blog na ito!<3 

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento